Book Review ng I Love You Since 1892 ni Binibining Mia

“Masaya akong iwan kita ng ganito. Masaya akong makita ang mga ngiti mo kahit sa huling pagkakataon dahil tanging ang mga ngiti mo at ang masasayang alaala natin ang babaunin ko sa puso ko habambuhay”

Ang librong “I Love You Since 1892” ay nailimbag noong April 27, 2017 sa mundo ng Wattpad na isang social storytelling platform. Ito ay isinulat ng isa sa mga tanyag na manunulat sa Wattpad ngayon na kilala sa tawag na Binibining Mia. Siya rin ang nagsulat ng karugtong nitong libro na pinamamagatang “Our Asymptotic Love Story”. Naging pang- apat ang I Love You Since 1892 sa adventure at nangunguna naman ito sa classic. Kaya naman ay sulit na sulit na basahin ang istoryang ito dahil ito ay ipinaghalong historikal at piksyon na kung saan ay malaya kang makapaglakbay at balik– tanaw sa nakaraan.

          Ang storyang I Love You Since 1892 ay nakaikot sa dalawang pangunahing karakter na sina Carmela at Juanito. Si Carmela Isabella ay isang spoiled brat na ang pananaw sa pag- ibig ay nag- iba ng dahil sa mga nangyayari sa kanyang nakaraan. Subalit, ang lahat ng ito ay nagbago simula noong nag- iba ang realidad. Bigla na lang siyang napunta sa nakaraan, sa taong 1892. Nakadiskubre siya na mayroong isang babae na nakatira sa panahong ito na kamukhang- kamukha niya na nagngangalang Carmelita Montecarlos, ang nakababatang kapatid ng kanayang lola sa tuhod. Upang makabalik siya sa taong 2016, kailangan niyang mabago ang mapait na tadhana nina Carmelita at Juanito na naging kahihinatnan ng dalawa, dahil sa lubos nilang pagmamahalan. Di kalaunan ay nahulog rin ang loob ni Carmela kay Juanito kahit na nabuhay sa sila sa magkaibang panahon.

          Nang matapos kong basahin ang libro, masasabi kong bukod sa napakaganda ng istorya nito ay bukod- tangi rin ito. Habang binabasa ko ito ay naramdaman kong ako ay naglakbay sa nakaraan at nakakapagkilala ng mga taong nabuhay doon. Ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kwento ay organisado mula sa simula hanggang sa wakas. Ang simula ng kwento ay malayang ipinapakita ang uri ng pamumuhay at mga naging karanasan ni Carmela na kung paano ito nakakaapekto  sa kung sino siya sa kasalukuyan. Halimbawa ay ipinahayag sa simula pa lang kung gaano nagbago ang buhay ng kanyang pamilya magmula  noong namatay ang kanyang ina noong bata pa lamang siya, dahil sa panganganak nito sa kanyang nakababatang kapatid sa ospital. Sa mga oras na iyon, siya ay naiwan sa kanilang bahay kasama ang kanilang katulong at ang isa pa nyang kapatid. Ang di maipaliwanag na kanyang nararamdaman bago pa man mamatay ang kanyang ina ay isang clue na ibiginigay ng may- akda upang magkaroon ng ideya ang mga mambabasa sa susunod na mangyayari sa kwento.

          Sa kwento, may mga sense rin na bibisitahin nila ang bahay ng kanyang lola na matatgpuan sa San Alfonso. Ang kanyang lola na si Lola Carmina ay hiniling na sa kanyang bahay ipagduwang ang kaarawan ni Carmela. Nang sila ay dumating sa bahay, nakutuban ni Carmela na may kakaiba sa kanyang Lola Carmina. Ito ang isa sa mga scenes ng kwento na nagwagi ang may- akda na gawing mysteryoso at kapanapanabik ang kwento. Ang mga mambabasa ay wala talagang ideya kung anong susunog na mangyayari sa istorya, kung kaya ay ang kailangan lamang nilang gawin ay maghintay kung kalian ibubunyag ng may-akda ang mga pangyayari. Isa pang misteryo sa kwento ay pagkakapareho nina Carrmela at Carmelita ng mukha at ang matandang babae na nakakasalubong ni Carmela sa silid- aklatan. Kahit na maraming mga ideya ang pumapasok sa isip ng mga mambabasa, hindi pa rin nila makukuha kung ano ang laman sa malikhaing pag- iisip ng may- akda. Talaga namang napakamalikhain ng pagkakabuo ng kanyang mga salita sa kwento na nakakapagpalawak ng imahinasyon ng mga mambabasa na para bang sila ay naglalakbay galing sa kasalukuyang panahon patungo sa nakaraan.

          Bilang kabuuan, ang libro ay sulit basahin sapagkat hindi lang ito tungkol sa pag- ibig kundi ay tumuturo rin ito ng magandang leksyon tungkol sa pagkakaroon ng magandang pag- uugali. Para sa isang taong nanggaling sa kasalukuyang panahon, napakasarap sa feeling na balikan at buhaying muli ang nakaraan. Ito rin ang dahilang upang maging bukod- tangi ang libro sa ibang istorya. Habang nagbabasa ka naman nito ay binibigyan ka nito ng napaka- adventurous na karanasan. Bilang estudyante, nakakatulong ang kwento upang mabigyan nating ng halaga ang kagandahan at yaman ng ating kultura noon na kung saan ay kadalasan sa mga henerasyon ngayon ay nakalimutang gawin.

Leave a comment